My Life Verses

Proverbs 28:14 Blessed is the man who always fears the LORD, but he who hardens his heart falls into trouble.


Philippians 4:13 I can do everything through HIM who gives me strength.


1 John 4:19 We love because HE first loved us.


Jeremiah 17:7 But blessed is the man who trusts in the LORD, whose confidence is in HIM.


Proverbs 19:21 Many are the plans in a person's heart, but it is the Lord's purpose that prevails.

Friday, November 7, 2008

Kwento ng isang kaibigan… (true to life survivor)

May isa akong friend.. nag kwento siya sa akin ng isang karanasan sa buhay niya na masasabi ko na ang brave niya na tao at bilib ako sakanya sa napag daanan niya ang ganung pag subok ng buhay…minsan inakala ko sobra na at malala na ang mga pag subok sa buhay na pinag daraanan ko… pero nung tiningnan at pinakingan ko ng mabuti ang mundo.. napapahinto ako… at napapaisip at na-guguilty… napa ka blessed ko pala…dahil sa lahat ng sakit na pinag daraanan ko may natutunan ako… kaya nung huminto ako para mag isip.. napadasal ako..
“GOD, sorry, kung minsan naitanung ko sayo at hindi maintindihan ang mga pinagdaraan ko, sorry kung minsan noon nagalit ako sayo, sorry dahil nasaktan kita at naging makasarili ako… and most of all thank you dahil mahal mo ko at ibinigay mo sakin lahat ng eto… pinagpa-pray ko din po sana yung others na mas nangangailangan po ng tulong mo po.. listen to their prayers po… amen “
Eto ang kwento ng kaibigan ko… 20-21 years old siya noon… 2006, pumapasok siya sa college as normal student… that time… sumasakit lagi every morning yung tiyan niya.. sobra sakit lagi.. may ugali kase siya na pag may sakit siya hindi siya nag sasabi sa parents niya.. that time inisip niya na either empacho o kabag lang yun.. kase sasakit ng 1 hour tapus normal na the whole day almost everyday… then one day sa school.. nag special class siya one on one sa professor niya sa faculty rom… nag paalam siya mag comfort room sa pag aakalang natatae lang siya… then yung professor niya umalis din to go somewhere natagalan… pag punta niya sa banyo na nasa sulok sulok ng office room, sumakit tiyan na sa point na napaupo na siya sa sakit.. nahihilo siya at feeling hihimatayin sa sakit… pero tinapangan niya at inisip na lalabanan niya yung sakit.. hindi na siya maka lakad that time.. kaya napa upo nalang siya sa toilet bowl for one hour at nung naisip niya na kailangan na niya lumabas else walang makaka alam na andun siya full effort siya lumabas pag ka labas nakita siya ng professor niya na namumutla na at nanghihina.. pinupo siya pinaypayan, dinala sa clinic at pinainum ng gamot, then hinatid na siya ng mga friends niya sa house, pag dating sa house, tiniis pa din niya yung sakit til hindi na niya kaya nag sabi na siya sa parents niya at nag padala na sa hospital.. sa hospital dinala siya sa emergency room at dun sinuri at akala pa ng doctor na buntis siya.. nakipag talo pa siya sa doctor dahil wala siyang boy friend so paano mangyayari yun, ayaw pa niya mag give ng urine sa doctor to have the examination kase nga naiinis siya so nagtalo pa sila ng doctor til ihing ihi na siya naibigay na niya yung urine niya for the test, after lumabas negative nga, hindi buntis, so inakala ng mga doctor baka appendicitis na yun, so ni-start na yung operation, then nakita ng mga doctor na namamaga nga yung appendix niya.. but not because appendix ang prob.. but because kase nauusog na yung appendix niya at mga internal organs dahil sa may ovary niya may malaki ng bag of blood, so binuksan na ng mga doctor yung whole tiyan niya, pinapasok yung mom niya sa operating room at sinabihan kung ano yung situation at sinabi kung ano procedure gagawin, they agreed so okey na.. tinangal yung malaking bag of blood, hindi siya entirely nalinis ng mabuti kase may mga sticky something na blood na kumakapit.. so kinuha yung mga nakuha sa tiyan to have an examination again, so by this time 2 weeks staka daw makukuha ang result, pag gising niya gulat siya why ang laki nghiwa ng tiyan niya kung appendix lang naman yung ino-perate, so they explained everything to her, so after few days umuwi na siya to rest, after 2 weeks tumawag na nga yung doctor sa house nila at pinapunta yung mom niya sa hospital urgent and immediately. Then nung umuwi na yung mom niya from the hospital sabi “anak, kainin mo na lahat ng gusto mong kainin” then few days nakikita niya yung mom niya talking to their realtives umiiyak, mga relatives niya visiting her sa kanila then giving her all, til one day nalaman na nga niya yung truth about sa sakit niya, may chocolatesis siya o ovarian cancer siya…nasa family nila yung ganun sakit, genetics, imagine too young for cancer diba.. na-sad siya at first pero naisip niya kung papa apekto siya hindi din naman siya gagaling, she prayed deeply to GOD and just accepted the fact na ganun na nga… she fights to survive sa sakit na pinag daraanan niya, umiiyak siya pero hindi niya pinapakita sa family niya, instead pinapakita niya na malakas siya at masaya siya…thank GOD at nasa low stage palang yung sakit niya at curable pa naman pag nag chemotherapy siya or radiotherapy siya , so she under go the theraphy for 6 months, so far the result was good, gumaling siya, and now living a normal life….but may chance na bumalik yung sakit niya, remember as I’ve mentioned kanina hindi fully nalinis yung ovary niya nung blood sticky na nakuha sakanya, and its not advisable na ioperate siya again sabi ng mga doctor… and the fact na forever niya dadalhin yung fact na wala na siya ng chance na mag ka anak.. sad in a way, but still given the chance to extend her life is something to be grateful of.. kaya now she needs a guy na maintindihan situation niya na hindi na siya pwede pa mag ka anak..
See? How grateful should we be… dahil hindi natin naranasan yung naranasan niya…. Siya nga she did hold on to GOD pa… So kung feeling miserable ka.. think again there are others na mas pa ang pinag daraanan.. thanks for reading my blog… more stories to come… c”,)

No comments:

Facebook Badge

Marry Jean Lee's Facebook profile